September 19, 2024

KAMARA: ALL IS WELL THAT ENDS WELL?

MOVING on na sila. Tapos na ang teleserye ng mga magkakatunggali. kakampi, kasalungat, kakulay at kahunyango sa Mababang  Kapulungan na  hitik sa akskyon, drama at gulangan.

Ang pinag-awayan: SPEAKER lang naman. Ang apektado, pambansang budget at sambayanan. Mabuti na lang, ang Pangulo na ang namagitan bagama’t siya ay nalusutan ng gulang, ng mga nanaig sa puwestuhan, ang bottomline ay tuloy na ang deliberasyon upang matapos on time ang pambansang pondo kundi ay malalagot kayo sa Pangulo at sa tao.

Wish ko lang habang sinusulat ko ito ay tapos na ng Kamara  ang ikatlong BASA at ipapasa na ang bola sa Senado.

Matapos ito ay saka niyo na ayusing maibalik sa pedestal ang mantsadong imahe ng institusyon ng mga distinguished gentlemen ng House of Representatives… All is well that ends well na ba? ..ABANGAN!!!

*****M-24 CANADA & MUG SHOW OF FORCE****

PATULOY ang paglawig ng mapuwersa at nagkakaisang samahang sibiko sa Canada partikular sa mga kababayang  dugong-Pilipino na naroon.

Sa pagsisikap ni action man/ businessman/ sportsman ORGANIZER Dr.Chito Collantes (M24B1O24) ay naging aktibo ang mga konsernadong taal na Pinoy partikular sa Toronto upang makiisa at maging isa bilang  pinagpipitagang miyembro ng M-24 Bulders of Canada na kapatid sa layunin ng Makabayang Unipikasyon ng Guardians (MUG Canada & Philipppines) na pamoso sa kanilang cause-oriented na layuning mabiyayaan ang Pipinas ng isang corrupt-free at good governance na pamahalaan. Ang kanilang pinagsamang puwersa sa sa Toronto at Manila na kalaunan ay sa lahat ng Pilipinong kasapi na nasa iba’t-ibang panig ng mundo ay  makapagluluklok ng tunay na lider ng Pilipinas  na kakalinga sa Pilipino saan panig man ng daigdig.

Sa pakikiisa ni Bro Ruel Depusoy (M24B1O24F1) kay Doc Chito ay lumalawig ang samahan sa Toronto at Bro BUILDER Alex Quillope (M24B1) sa Pilipinas bilang senyal na ito ng ‘show of force’ na ang inisyal na adhikain ay ‘best leader’ sa 2022

  Welcome sa giant group sina businesswoman Sis Joy Santos ” Red Violet’ M24B1O24F32, Sis Ma. Theresa ‘ Monet’ Abad Galang- M24B1O24F8 at finance adviser Sis Thess Nicolas Benedicto. Go M-24..multiply pa more! Para sa Bayan!

** GOOD GOVERNANCE KAISA ANG FPA NI ROLDAN****

SA kanyang walang bahid  na track record mula pribadong kumpanya at ahensya ng pamahalaan ay naging napakadali kay G. Wilfredo Roldan ang maglingkod ng tapat at walang pag-imbot kaya naman isa siyang ‘gem’ sa mga ahensiyang pinaglingkuran.

Saksi ang korner  na ito sa kanyang mahusay na serbisyo noong opisyal pa siya ng Philippine Sports Commission (PSC) at ngayong executive director siya ng FPA na nasa payong ng Department of Agriculture.

Sa kanyang timon sa Fertilizer and Pesticide Authority ay maipagmamalaking isa ang ahensiya sa tumatalima sa Good Governance at Zero Corrupt Agency na direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat nang kawani at opisyal ng pamahalaan. Well done E.D. ROLDAN!!!

###