PITAK FILIPINO
Ni Socrates L. Pimentel
Pangungunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Carlo Sotto ang pagdiriwang kasama ang iba’t ibang pinuno at kawani ng pamahalaang lungsod. Gayundin makikiisa sa pagdiriwang ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF, itinatag 1936 at nireporma 1991) sa pamumuno ni Atty. Marites A. Barrios-Taran, Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas (NHCP, itinatag 1933), Pamilya Quezon, Schools Division of Quezon City, Boy Scouts of the Philippines Quezon City Chapter, mga guro, mananaliksik, at mag-aaral.
Pumanaw si Quezon noong 01 Agosto 1944 Martes sa edad na 66 dahil sa sakit na tuberculosis. Namatay siya sa Saranac Lake, New York, habang siya ay nasa Estados Unidos bilang pinuno ng pamahalaang nakatapon (government-in-exile) noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
Ang kaniyang mga labi ay unang inilibing sa Arlington National Cemetery sa Virginia, Estados Unidos noong 04 Agosto 1944 Biyernes. Noong 17 Hulyo 1946 Miyerkoles ang kaniyang labi ay dinala sa Pilipinas at muling inilibing sa Manila North Cemetery. Noong 19 Agosto 1979 Linggo ay inilipat ang kaniyang mga labi sa Quezon Memorial Circle sa Lungsod Quezon.
