IBINIDA ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian na may pitong bagong ambulansya ang lungsod na makatutulong sa pagtugon sa mga pangangailangang medikal ng kanyang nasasakupan sa panahon ng pandemya.
Tatlo sa mga ito ang nadagdag sa rescue fleet ng siyudad habang ang apat ay ipagkakaloob sa mga barangay.
“Lahat ito ay para mapabilis ang response sa dumaraming medical calls during this pandemic,” anang alkalde.
Samantala, hinikayat ng pamahalaang lungsod ang mga locally strand individuals sa lungsod na uuwi sa Region VI na makipag-ugnayan sa kanilang uuwiang siyudad o munisipalidad upang masigurong masusunod ang mga itinakdang protocol.
Ayon sa pahayag ng lungsod, pinawalang-bisa na ang travel ban sa nasabing rehiyon bunsod ng COVID-19 alinsunod sa kautusan ng Department of the Interior and Local Government.
Nananatili naman ang travel ban sa buong probinsya ng Cebu.
More Stories
PH KABILANG SA MAY MATAAS NA NEGLECTED TROPICAL DISEASES
5 CONSTRUCTION WORKERS NAKURYENTE 3 PATAY
Higit P.4M shabu, nasamsam sa HVI drug suspect sa Valenzuela