May 13, 2024

KathDen, fans tuwang-tuwa… PAMILYA BERNARDO PAYAG AT TANGGAP SI ALDEN RICHARDS

SINO ba naman ang hindi papayag na tanggapin ang isang Alden Richards sa kanilang pamilya, lalo na’t isa itong mabuting tao at iresponsable sa kanyang buhay?

Pangarap ng lahat ng mga babae na makakuha ng lalakeng matino at makakasama nila habang buhay –    sa hirap man o ginahawa. “Sa side ng mga Bernardo, tanggap na tanggap nila si Alden Richards sa kanilang pamilya,” masayang kuwento ni Miss Bubuwit na aking source.

Matino nga naman kasi si Alden at maganda ang kanyang pangarap sa usapin sa pagbuo ng pamilya. Kaya nga hindi sila nangangamba sakaling manligaw ito kay Kathryn.

“Pero sa huli ang magdedesisyon niyan ay si Kathryn, kung may pag-asa ba sa matamis niyang ‘oo’ si Alden ?” masayang kwento ni Miss. Bubuwit.