May 13, 2024

Annabelle, sinulsulan ang anak na huwag magbigay ng sustento? SARAH LAHBATI, ‘DI PA RIN IPAGKAKAIT ANG MGA BATA KAY RICHARD GUTIERREZ

GRABE naman itong si Richard Gutierrez, kung susundin niya ang sulsol ng kanyang ina.

Base kasi sa nakalap na impormasyon ni Miss Bubuwit na aking source, sinulsulan umano si Richard ng kanyang ina na si Annabelle Rama na huwag magbigay ng sustento sa kanyang mga anak.

Kung totoo mang may ganoong sulsol si Annabelle para sa kanyang mga apo, mukhang batas na mismo ang kakastigo sa pangit na ugali nito. Tsk!

Batay kasi sa batas, sakaling mang maghiwalay ang isang mag-asawa, may karapatan ang babae na humingi ng sustento para sa kanyang mga anak.

Kung sa bagay, kaya-kaya naman buhayin ni Sarah Lahbati ang kanyang mga anak nang hindi umaasa kay Richard.  Tumpak!

Sa kabila ng lahat, payag naman daw si Sarah na dalawin ni Richard ang kanyang mga anak.

“Masuwerte si Richard at may mabait siyang ex-wife, pero malas niya dahil may nanay siyang pangit ang ugali,” galit na pahayag ni Miss. Bubuwit.