May 13, 2024

2 PULIS NAHULING NAGSE-SEX SA LOOB NG NAKAPARADANG SASAKYAN NG KANILANG MGA ASAWA NA PULIS DIN

Nahaharap sa kasong adultery at concubinage ang dalawang pulis matapos silang mahuli ng kanilang mga asawa – na kapwa ring mga pulis – habang nagtatalik umano sa loob ng isang sasakyan sa parking lot ng isang mall sa Laguna.

Ayon sa Laguna Police Provincial Office (PPO), nahuli ng dalawang complainant ang kanilang mga asawa na nagse-sex sa loob ng nakaparadang sasakyan sa kahabaan ng Barangay Calubang sa Calaba City ganap na alas-10 ng umaga noong Abril 25.

Batay sa imbestigasyon, nang komprontahin ng mga complainants, tinangka pang tumakas ng dalawa at akma pang sasagasaan ang kanilang mga asawa, subalit nabaril ng lalaking pulis ang gulong ng sasakyan ng kanyang misis.

Tumalon sa sasakyan ang suspek na lalaking pulis at akmang tatakbo subalit nabaril naman ito ng kanyang asawa at tinamaan sa hita at balikat.

Ayon sa Laguna Police Provincial Office (PPO), nagtamo ng tama ng bala sa hita at balikat ang lalaking suspek, na hinuli ng mga operatiba nang dumating sa naturang lugar.

Dinala siya sa Global Medical Center Canlubang para lapatan ng lunas.

Samantalang, nakatakas ang babaeng suspek patungo sa direksyon ng Batangas gamit ang naturang sasakyang kahit flat ang gulong.

Nagsagawa na ang pulisya ng dragnet operation para sa ikadarakip ng babaeng suspek. KOI HIPOLITO