SUGATAN ang limang katao, kabilang ang dalawang menor de edad matapos tupukin ng apoy ang isang residential area sa Block 36 sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City nitong Lunes, Enero 19.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang sunog dakong alas-6:12 ng umaga at mabilis na itinaas sa ikalawang alarma dakong alas-6:28 ng umaga at mablis na kumalat ng apoy dahil gawa sa light materials ang katabing mga bahay.
Itinaas sa ikatlong alarma ang sunog dakong alas-7:34 ng umaga at tuluyang naapula dakong alas-9:17 ng umaga.
Samantala, lima ang sugatan sa naturang insidente, kabilang ang 11-anyos na lalaki na nagtamo ng gasgas sa kaliwang binti, 16-anyos na lalaki na nagkaroon ng sugat (laceration) sa kaliwang paa, 20-anyos na lalaki gasgas sa tiyan, 29-anyos na lalaki na nagtamo ng malaking sugatan sa braso at ang 36-anyos na lalaki na nagtamos ng paso sa kanang kanang kanan.
Kinumpirma ng mga awtoridad nasa maayos na kondisyon na ang mga biktima matapos mabigyan ng tulong medikal.
Patuloy na iniaalam ng arson investigators ang sanhi ng sunog at kabuuan ng pinsala sa mga ari-arian. (ARNOLD PAJARON JR)
