May 18, 2024

4 SANGKOT DROGA ARESTADO SA P.6-M SHABU

Nasakote ng mga operatiba ng Malabon Police SDEU sa Dr. Lascano St. corner Concepcion St. Brgy. Tugatog, Malabon city si Mark Anthony Ellaso, 35, Jose Taguiwalo, 48, Dennis Cruz, 49 at Rey Hernando, 34   makaraan ang isinagawang  buybust operation. (RIC ROLDAN)

SWAK sa kulungan ang apat na hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng higit sa P.6 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Mark Anthony Ellaso, 35, Jose Taguiwalo, 48, Dennis Cruz, 49 at Rey Hernando, 34, (pusher/listed).

Ayon kay Col. Tamayao, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon hinggil sa umano’y illegal activities ng mga suspek kaya’t ikinasa ng mga ito ang buy-bust operation sa pangunguna ni PLT Adonis Aguila.

Nagawang makapagtransaksyon sa mga suspek ng isang undercover pulis na nagpanggap na poseu-buyer ng P1,000 halaga ng shabu at napagkasunduan ng mga ito na magkita sa Dr. Lascano St. corner Concepcion St. Brgy. Tugatog.

Kaagad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek matapos tanggapin ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu.

Nakumpiska sa mga suspek ang 49 plastic sachets na naglalaman ng 100 gramo ng shabu na nasa P680,000 ang halaga at buy-bust money.

Sasampahan ng pulisya ng kasong Sec. 5 (sale) at Sec 11 (possession dangerous drugs) Art II of RA 9165 ang mga suspek sa Malabon City Prosecutors Office.