May 16, 2024

4 ARESTADO SA DROGA SA LAS PIÑAS

ARESTADO ang apat na katao sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng drug enforcement unit  ng Las Piñas Police Station sa Basa Compound, Brgy. Zapote, Las Piñas City.

Kinilala ang mga suspek na sina Niño Rosello Cerraon alyas Niño, Ramil Generaole, Mary Ann Alegre at Anita Romero, pawang mga nasa hustong gulang.

Nabatid na ikinasa ng mga operatiba ng Las Piñas SDEU ang operasyon sa Basa Compound, Las Piñas City kung saan naaresto ang mga suspek.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may street value na aabot sa P4,760 at drug paraphernalia. Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 13  Art ll ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (RUDY MABANAG)