AABOT sa 300 kwalipikadong person deprived of liberty o PDLs ang nasa listahan na isusumite ng Department of Justice ngayong linggo sa Malacañang.
Ayon kay Atty. Mico Clavano, taga-pagsalita ng DOJ, isinasapinal na ang listahan ng mapapasali sa posibleng mabigyan ng executive clemency na itinaon sa birthday ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Setyembre 13.
Kadalasan aniya ay tuwing sa panahon ng Kapaskuhan nagsusumite ng listahan ng mga kwalipikadong PDLs na maaring i-pardon pero aagahan na anila ngayong administrasyon.
Paglilinaw ni Clavano, ito ay bukod sa Good Conduct and Time Allowance na agarang ibinibigay sa mga nakakabuno na ng kanilang sintensya.
Aniya, nakadepende na sa Pangulo kung ilan ang kanyang bibigyan ng executive clemency at kung absolute pardon ba ito o conditional pardon.
More Stories
JINGGOY NAPIKON KAY EX-PDEA AGENT MORALES: ‘WAG MONG PAKIALAMAN ANG KASO KO’
SMALL RECLAMATION NG CHINA SA WPS, NAPIGILAN NG PCG
KASONG KRIMINAL LABAN SA NEGOSYANTENG CHINESE NA INIREKLAMO NG KIDNAPPING, ISINAMPA NG DOJ SA KORTE