Dalawang suspek ang nahuli sa isang buy-bust operation na isinagawa ng mga operatiba ng Pasong Putik Police Station 16 sa Quezon City nitong Enero 14, 2026.
Kinilala ang mga suspek na sina Alyas Cass, 32, at Alyas Makmak, 35, na kapwa residente ng Maligaya Park Subdivision, Barangay Pasong Putik, Novaliches, Quezon City.
Ayon sa ulat, nakumpiska sa mga suspek ang 1.89 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P12,852, pati na rin ang ilang mga pera at cellphone.
Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Seksyon 5 at 11 ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Ulat ni Respondeng Rakiztah)
