Hindi nakaligtas sa kamay ng batas ang dalawang most wanted criminals sa lalawigan ng Rizal matapos silang masakote sa magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad kahapon, Hulyo 17.
Unang naaresto si alyas “Gie”, 34-anyos, na itinuturing na No. 8 Most Wanted Person sa buong Rizal. Dinakip ito ng mga pulis dakong 1:00 ng hapon sa Cabatuan, Purok-3, Calbayog City. May dala-dala itong warrant of arrest para sa kasong rape, na inilabas ng Antipolo City RTC Branch 141.
Samantala, bandang 6:15 ng gabi, nadakip naman sa Brgy. San Isidro, Cainta si alyas “To”, 55-anyos, dahil sa kasong robbery. Hinuli siya base sa warrant of arrest na ipinalabas noong Disyembre 10, 2018 ng RTC Branch 100. May nakalaan itong P100,000 na piyansa, pero sa ngayon ay nakakulong na siya.
Ayon sa mga operatiba, ang pag-aresto sa dalawang suspek ay maayos na naidokumento gamit ang Alternative Recording Device (ARD) alinsunod sa umiiral na batas para sa transparency at proteksyon ng lahat ng sangkot.
“Walang ligtas ang mga kriminal! Kahit saan pa kayo magtago, hahanapin kayo ng batas!” paalala ng Rizal PNP.
