DAHIL sa sobrang init na nararanasan sa lungsod at kakulangan ng tubig sa ilang lugar, naglagay ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian ng dalawang mobile shower, sa ilalim ng kanyang “pWEStong Presko: Libreng Shower Ngayong Tag-init,” upang makatulong na makayanan ang kasalukuyang sitwasyon.
Ngayong taon, sunud-sunod na umabot sa mataas na heat index ang bansa. Bilang tugon, nakahanap ng paraan ang pamahalaang lungsod upang matulungan ang publiko.
Sa kabuuang halaga na PhP 12,750,000, bumili ang pamahalaang lungsod ng dalawang mobile shower at toilets na may kasamang apat na shower enclosure, apat na palikuran, handwash basin, at isang folding clothes rack sa bawat mobile shower. Ito ay karagdagan sa disaster response fleet ng lungsod na ipapakalat sa mga evacuation center. Araw-araw itong iikot sa bawat barangay upang ang Pamilyang Valenzuelanos na nakakaranas ng kakulangan sa tubig ay maari nilang Magamit ng libre ang mga shower room.
“Ito pong dalawang mobile shower ay papaikutin po natin sa atin pong komunidad, at uumpisahan natin yan dito sa [Barangay] Parada. Libreng shower po ‘yan, libreng toilet… ito po ay iikot dahil po may mga komunidad tayo na medyo may kaunting power interruption, at hindi po sila makaligo dahil walang kuryente sa kanilang bahay. Kaya po sa pamamagitan po ng mobile shower natin, araw-araw [ay] papaikutin po natin… para po maiwasan natin ang sakit na mula sa heat wave na nararanasan natin ngayon.” mensahe ng Mayor Wes.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA