May 19, 2024

2 ARESTADO SA SHABU SA VALENZUELA

PINOPOSASAN ni P/CPL Rolando Magno Jr. ng SDEU ng Valenzuela Police si Liome Jallorina makaraan mahuli ng mga barangay tanod na sumisinghot ng shabu sa nakaparadang truck sa kahabaan ng Carreon St. Barangay Ugong, Valenzuela City. narekober sa kanya ang isang pirasong sachet na hinihinalag shabu at drug paraphenalia (RIC ROLDAN)

DALAWANG hinihinalang drug personalities ang arestado, kabilang ang naaktuhang sumisinghot ng shabu at nakuhanan ng illegal na droga sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela city.

Ayon kay police investigator PSSg Carlito Niret ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU), naaktuhan ng mga barangay tanod si Liome Jallorina na sumisinghot umano ng shabu sa isang nakaparadang truck sa kahabaan ng Carreon St. Brgy. Ugong.

Narekober sa suspek ang isang pirasong plastic sachet ng hinihinalag shabu at drug paraphernalia.

Samantala, nadakip naman ng mga tauhan ng Valenzuela Police Community Precinct (PCP) 2 si Jimmy Melanio sa isinagawang Oplan Galugad sa Graceland Home Brgy. Gen. T. De Leon Valenzuela City.

Nakumpiska sa suspect ang dalawang plastic sachets ng hinihinalang shabu may timbang na nasa 2 gramo.

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.