Matagumpay na nagtapos ang 1st Regional Citronella Convention sa Lal-lo, Cagayan, na nag-iwan ng inspirasyon at panawagan para sa mas matibay na pagtutulungan upang paunlarin ang lokal na citronella industry.
Dinaluhan ito ng mga lokal na opisyal, eksperto, at mga miyembro ng komunidad na iisang layunin: palakasin ang sektor ng citronella sa rehiyon.

Sa kanyang mensahe, pinuri ni Hon. Maria Olive B. Pascual, Lal-lo Vice Mayor at Presidente ng Rural Improvement Club (RIC), ang sipag at dedikasyon ng kababaihan at mga magsasaka na nagsisilbing haligi ng industriya.
“Gusto ko lang sabihing hindi mahirap mangarap pero kailangan meron kang gawin para ito ay makamit — at iyan po ang ginagawa ng ating RIC members — ang backbone ng citronella industry dito sa Lal-lo,” ani Pascual.
Nagbigay din ng panawagan si Engr. Maria Teresa B. De Guzman, DOST Assistant Secretary for Countryside Development, upang gawing konkretong aksyon ang mga natutunan sa loob ng dalawang araw na pagtitipon.
“Let us prove that through science and collaboration, we can build a greener, healthier, and more prosperous countryside for all,” aniya. “Plant those citronella saplings, refine that oil, develop that product, draft those supportive policies, and continue this network of collaboration beyond this convention hall.”
Binigyang-diin naman ni Dr. Virginia G. Bilgera, DOST Region 02 Regional Director, na hindi kakayanin ng ahensya ang ganitong inisyatiba nang walang katuwang.
“DOST cannot do this alone, we need partners and that is why we are here together. This is not just the end — this is just a beginning,” ani Bilgera.
Sa pagtatapos ng programa, umuwi ang mga kalahok na may bagong sigla at mas matatag na paniniwala na sa pamamagitan ng agham, pagkakaisa, at malasakit ng komunidad, lalo pang uusbong ang citronella industry ng Lal-lo — at buong Rehiyon 2. (Mina Paderna)
