May 17, 2024

1947 UFO CRASH AT MARILYN MONROE CONNECTION

Kataka-Takang Daigdig

Hanggang ngayon, misteryoso pa rin ang pagkamatay ng Hollywood screen icon na si Marilyn Monroe. Lumalabas noon sa awtopsiya na namatay ang aktres dahil sa drug overdose. Subalit, sa pinakabagong pananaliksik, nabahiran ito ng kontrobersiya na may kaugnayan sa UFO. Kakatwa pero pinapatulan ng iba lalo na ang naniniwala sa mga alien. Ayon sa isang kontrobersiyal na bagong documentary, lumalabas na pinaslang si Monroe dahil marami itong nalalaman tungkol sa UFO.

Ayon sa isang palabas na may pinamagatang “Unacknowledge” ( na may video sa Youtube ) na idinirehe ni Michael Mazzola, naglalanan ang dokumentaryo ng ilang conspiracy theories, kung saan napabilang ang pagpanaw ni Monroe na namatay kuno sa drug overdose. Subalit, ang totoo umano, ay pinaslang dahil sa nalalaman sa UFO phenomenon. Nagbabala umano si Monroe sa kinauukulan na ilalahad ang tungkol dito at ang mga ebidensiya sa publiko.

Tampok din sa nasabing film documentary ang kontrobersiyal na UFO researcher na si Dr. Steven Greer, na nagbigay ng pahayag— na ang pumanaw na aktres ay may nalalaman sa tanyag na 1947 UFO crash sa Roswell sa New Mexico. Sinabi rin ng Hollywood actor na si Burl Jues na hindi namatay sa drug overdose— na palasak na pinaniniwalaang rason ng mundo kung bakit namatay si Monroe.

“The best evidence for extraterrestrial contact, dating back decades, is presented with direct top-secret witness testimony, documents and UFO footage, 80 per cent of which has never been revealed anywhere else,” the plot summary of the documentary reads,” ani ng director na si Mazolla.

“The behind-the-scenes research and high-level meetings convened by Dr Steven Greer will expose the degree of illegal, covert operations at the core of UFO secrecy,” aniya.