Patay ang isang 13-anyos na estudyante matapos saksakin sa dibdib ng kanyang 14-anyos na kapwa menor de edad sa loob ng Las Piñas National High School, Biyernes ng hapon.
Naganap ang insidente bandang 4:30 ng hapon sa ikaapat na palapag ng paaralan matapos sumiklab ang alitan ng dalawa habang recess.
Isinugod sa Las Piñas District Hospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival bandang 4:53 ng hapon.
Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek bilang child in conflict with the law (CICL) habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso at patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng krimen.
