May 13, 2024

10 nasakote sa drug operation sa Valenzuela

Arestado ng mga operatiba ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit si Guillen Dela Cruz, 27, Larry Caridad, 43, Reynaldo Fulgencio Jr, 45, Axel Jax Fernando, 30, agent, Resty Quintana, 39, Francisco Vasquez, 37, Mark Joseph Boleche, 24, Romeo Gonzales, 61, Edward Billones, 39, at Julius Buezon, 34, sa magkahiwalay na drug operation sa 6202 S Feliciano St., Brgy. Ugong at Block 4 Lot 4 De Gula Compound, Brgy. Gen. T De Leon, Valenzuela city. Nakuha sa kanila ang mahigit P.1 milyon halaga ng hinihinalang shabu. (RIC ROLDAN)

Arestado ang sampung hinihinalang drug personalities sa isinagawang magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Valenzuela city.

Dakong alas-10 ng Huwebes ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDE) ng buy bust operation sa 6202 S Feliciano St., Brgy. Ugong na nagresulta sa pagkakaaresto kay Guillen Dela Cruz, 27, at Larry Caridad, 43.

Kasama ring dinakip ng mga operatiba si Reynaldo Fulgencio Jr, 45, at Axel Jax Fernando, 30, agent, matapos makuhanan ng tig-isang plastic sachets ng hinihinalang shabu.

Narekober sa mga suspek ang humigi’t-kumulang sa 15 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P102,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill at 8 pirasong P1,000 boodle money, P700 cash, 3 cellphones at motorsiklo.

Dakong alas-5 naman ng Biyernes ng madaling araw nang respondehan naman ng kabilang team ng SDEU ang natanggap na tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong pot-session sa Block 4 Lot 4 De Gula Compound, Brgy. Gen. T De Leon na nagresulta sa pagkakaaresto kina Resty Quintana, 39, Francisco Vasquez, 37, Mark Joseph Boleche, 24, Romeo Gonzales, 61, Edward Billones, 39, at Julius Buezon, 34, matapos maaktuhang sumisinghot ng shabu.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang plastic sachets ng hinihinalang shabu, 2 unsealed plastic sachets na may bahid ng umano’y shabu, cellphone, coin purse at ilang drug paraphernalia.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.