May 16, 2024

1 PATAY, 4 SUGATAN SA SKYWAY PROJECT TRAGEDY

Patay ang isang indibidwal habang sugatan ang apat na iba pa matapos na bumigay ang isang steel girder mula sa isang bahagi ng nagpapatuloy na Skyway project sa mga sasakyang dumadaan sa East Service Road sa Muntinlupa City kaninang umaga.

Sa isang pahayag, sinabi ng Skyway contractor EEI Corporation na naganap ang aksidente dakong alas-8:50 ng umaga.

 “At 8:50 this morning, a crane that was being positioned for its next task tilted and fell on the girder spanning the two posts of the north-bound Skyway extension project,” saad ng EEI.

“The girder fell on vehicles below, killing at least one and injuring at least persons who were rushed by ambulances from the Skyway O&M Corp. and EEI to various hospitals,” dagdag pa nito.

Dagdag ng contractor, mino-monitor nila ang kalagayan ng mga nasugatan at kino-kontak na ang mga kaanak ng mga ito para sa proper coordination at para sa assistance na ibibigay.

Kabilang sa mga naapektuhan ay tatlong sasakyan at dalawang motorsiklo. Agad dinala ang mga nasugatan sa Asian Hospital and Medical Center para malapatan ng lunas.