April 26, 2024

UAAP SEASON 84 MEN’S BASKETBALL, MAPAPANOOD NA NG FANS SA MOA ARENA

Mapapanood na ng fans ang UAAP Season 84 basketball games sa susunod na linggo. Ang nasabing collegiate league rin ang unang liga na magkakasa ng live audience sa laro.


Balik sa Mall of Asia Arena ang UAAP games matapos ang 2 taong pagkatengga. At sa pagkakataong ito, masasaksihan na ng fans ang laro. Inalis na kasi ang bubble format dahil sa pagluwag ng mga restriction.


Ibubuslo sa MOA ang fifth play date sa Martes, April 5. Gayunman, may kaukulang tuntunin na dapat sundin. Dapat ay bakunado ang mga audience at sinusunod ang social distancing at iba pa.


Inaasahang dadagsa ang mga audience mula sa participating universities na naturang games.
Matagal na kaming di nakapanood ng live ‘e. Dalawang taon na rin. So, mas mapi-feel mo yung laro. Buti naman at nagbalik na sa dati,” sabi ng isang fan mula sa DLSU.