April 26, 2024

Stephen Curry, player na pinakamataas ang kokobrahin sa 2022-23 NBA season

Si Stephen Curry ng Golden State Warriors ang manlalarong may pinakamalaking kokobrahin sa 2022-23 NBA Season.  Magbubulsa ang ‘The Chef’ at 4-time NBA champ ng $48 milyon. Sinundan siya ni John Wall, na ngayo’y na sa LA Clippers na ng $47.3M. Pangatlo si Russell Westbrook ng Lakers na may $47M at pang-apat ang kakamping si LeBron James na may $44.4M.

Panlima naman si Kevin Durant ng Brooklyn Nets ($44.1M), pang-anim si Bradley Beal ng Washington Wizards ($43.2M), pangpito si Paul George ng Clippers ($42.4M), pangwalo si Kawhi Leonard ng Clippers din ($42.4M), pangsiyam si Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks ($42.4M) at pansampu si Damian Lillard ng Portland TrailBlazers na kasama rin sa $42.4M club.