April 26, 2024

ROCKETS, BALAK I-TRADE SI JOHN WALL SA LOS ANGELES CLIPPERS

May nilulutong trade sa pagitan ng Houston Rockets at Los Angeles Clippers ayon sa source. Ayon sa ulat, target ng Clippers na makuha ang star guard na si John Wall. Ang maaring maging kapalit ay tatlong players. Ito’y sina Serge Ibaka, Marcus Morris at Eric Bledsoe ayon sa multiple reports.


Ikakasa raw ito dahil kailangan ng Clippers ng isang de-kalibreng guard. Na makatutulong kay Paul George at Kawhi Leonard. Gayunman, walang pang kumpirmasyon kaugnay sa ikinakasa umanong trade.