April 27, 2024

PH PUG YANONG, BIGO SA WELTERWEIGHT SHOWDOWN SA LAS VEGAS KONTRA GAMEZ

Bigo si Pinoy boxer Reymond Yanong sa kanyang laban sa Las Vegas kontra kay American rival Genaro Gamez sa kanilang eight-round welterweight showdown. Natalo si Yanong via first-round knockout.

Nagawang isandal ni Gamez ang Pinoy pug sa lubid pagkatapos na tamaan ng matinding kanang suntok sa panga. Binilangan ng referee si Yanong, subalit tila na hindi na tumutugon sa bilang si Yanong; lalo pa’t pinatamaan siya ni Gamez sa bodega. Tuluyan nang humalik sa lona si Yanong nang tamaan ng mala-rapidong suntok ni Gamez sa  sentido nito.

Bago labanan si Gamez, galing sa panalo si Yanong, labing-dalawang araw ang nakararaan sa Las Vegas.

Si Yanong din ang ikalawang Filipino boxer na lumaban sa kabila ng Coronavirus pandemic.Nauna nang lumaban si Mike Plania nitong nakaraang linggo sa Las Vegas. Bukod kay Yanong, nauna nang nabigo ang stablemate ni Plania na si Mark Bernaldez via decision.