April 26, 2024

MEMPHIS GRIZZLIES, INILISTA ANG 11- STRAIGHT WINS SA PAGLAPA SA TIMBERWOLVES

Patuloy ang pananalasa ng Memphis Grizzlies sa naitalang 11 straight wins. Isa sa panibagong nilapa nito ay ang Minnesota Timberwolves, 116-108.


Nanguna sa panalo ng Grizzlies sina Jaren Jackson Jr at Desmond Bane. Nagtala si Bane ng 21 points, 4 stl at 3 rebounds. Samantalang 20 points, 5 boards at 5 blocks naman ang ginawa ni Jackson


Ang star player nilang si Jah Morant ay kumana ng 16 points, 9 assists at 8 boards. Gumawa naman ng 30 points, 4 assists si Anthony Edwards sa Minnesota. Habang nag-ambag si D ‘Angelo Russell ng 25 points at 6 assists. Si Karl Anthony Towns naman ay bumuslo ng 25 points, 9 boards at 3 assists.