April 26, 2024

‘Massacre’, Lakers, nilunod ang Portland TrailBlazers

‘Sweet revenge’. Ganito ang pakiramdam ng Los Aneles Lakers pagkatapos na lunurin ang Portland TrailBlazers, 111-88 sa Game 2 ng 1st round ng NBA playoffs.

Kaya naman, tie na 1-1 sa series ang dalawa sa best-of-7 Western Conference duel.Nanguna sa Lakers si Anthony Davis sa pagbuslo ng ng 18 puntos at 11 boards.

Photo by Jesse D. Garrabrant/NBAE via Getty Images

Nag-ambag naman si LeBron James ng 10 points, 6 rebounds at 7 asissts. Sa unang kwarter, nalamangan agad ng Lakers ang Blazers. Pero,nagagawang humabol ng Portland.

Subalit, naka-alagwa ang Lakers sa third quarter at tinambakan ang Blazer ng 30 points, 85-58.

Minalas naman si Blazers guard Damian Lillard na nabalian ng index finger sa left arm. Natamo ni Lillard ang pinsala nang sundutin ang bola kay Davis. Tumama ang daliri nito sa sapatos ng huli.

Nang sumalang sa X-rays ang star guard, negative naman ang lumabas. Pero, desidido si Lillard na maglaro sa Game 3.

Nagtala si Lillard ng 18 points at nag-ambag naman si CJ McCollum ng 13.

Narito ang buong stats ng Lakers-TrailBlazers sa Game 2

POR:Damian Lillard: 18 Pts. 3 Rebs. 1 Asts. 1 Stls. C.J. McCollum: 13 Pts. 5 Rebs. 3 Asts.Anfernee Simons: 11 Pts. 1 Rebs. 2 Asts. 1 Stls.

LAL:Anthony Davis: 31 Pts. 11 Rebs. 3 Asts. 1 Stls. 1 Blks. Kentavious Caldwell-Pope: 16 Pts. 2 Rebs. LeBron James: 10 Pts. 6 Rebs. 7 Asts. 2 Stls.