Weather Forecast

December 1, 2022, 2:35 AM
Intermittent clouds
Intermittent clouds
25°C
real feel: 27°C
current pressure: 1010 mb
humidity: 84%
wind speed: 2 m/s E
wind gusts: 4 m/s
UV-Index: 0
sunrise: 6:05 AM
sunset: 5:25 PM
Forecast December 1, 2022
day
Partly sunny
Partly sunny
30°C
wind speed: 3 m/s ENE
wind gusts: 9 m/s
max. UV-Index: 6
night
Mostly cloudy
Mostly cloudy
24°C
wind speed: 2 m/s ENE
wind gusts: 5 m/s
max. UV-Index: 6
Forecast December 2, 2022
day
Mostly cloudy
Mostly cloudy
30°C
wind speed: 3 m/s ENE
wind gusts: 8 m/s
max. UV-Index: 3
night
Cloudy
Cloudy
24°C
wind speed: 2 m/s E
wind gusts: 4 m/s
max. UV-Index: 3
Forecast December 3, 2022
day
Partly sunny
Partly sunny
31°C
wind speed: 3 m/s E
wind gusts: 7 m/s
max. UV-Index: 5
night
Partly cloudy
Partly cloudy
24°C
wind speed: 1 m/s ENE
wind gusts: 5 m/s
max. UV-Index: 5
Forecast December 4, 2022
day
Mostly cloudy
Mostly cloudy
31°C
wind speed: 2 m/s ENE
wind gusts: 6 m/s
max. UV-Index: 4
night
Partly cloudy
Partly cloudy
24°C
wind speed: 1 m/s ENE
wind gusts: 3 m/s
max. UV-Index: 4
Forecast December 5, 2022
day
Showers
Showers
28°C
wind speed: 2 m/s ESE
wind gusts: 6 m/s
max. UV-Index: 5
night
Mostly cloudy
Mostly cloudy
24°C
wind speed: 1 m/s E
wind gusts: 5 m/s
max. UV-Index: 5
More forecast...
 
November 30, 2022

LTO PINATITIGIL NO CONTACT APPREHENSION POLICY

MAY panawagan si Land Transportation Office (LTO) chief Assistant Secretary Teofilo Guadiz sa mga lokal na pamahalaan na nagpapatupad ng no contact apprehension policy (NCAP) na suspindihin muna ang polisiya.

Hinikayat din ni Guadiz sa mga Local Government Unit o LGU na ikonsidera ang suspensyon ng polisiya at hiniling na makipagpulong sa LTO upang maplantsa ang mga panuntunan kabilang na ang inirereklamo ng mga operator ng pampublikong sasakyan na sila ang naoobligang magbayad ng multa sa paglabag ng kanilang mga drayber.

“Sa ilalim ng batas, ang nagbabayad ng multa ay ang registered owner ng sasakyan, on the presumption na ang rehistradong may-ari ng sasakyan ang nagmamaneho and by command responsibility, ‘yung may-ari ng sasakyan talaga ang dapat na magbayad kung may violation,” ani Atty. Guadiz.

“Pero, ito po ay pinag-aaralan namin ngayon. Tila po may kakulangan sa policy na maaaring kailangang repasuhin upang ang mismong drayber o nagmamaneho ng sasakyan ang dapat na managot sa paglabag. We will look into ways na ang dapat managot ay ang drayber,” ipinunto ni Guadiz.

Sinabi pa ni Guadiz na bahagi ng kanilang mandato sa implementasyon ng NCAP ay magpalabas ng alarma sa mga sasakyan na nasasangkot sa paglabag.

“Ito po ay proyekto ng mga LGU. Ang part lang ng LTO ay kami ang naglalabas ng alarma mga sasakyang lumabag,” ayon pa sa LTO chief.

Isa pa sa nais ni Guadiz na mapag-aralan ay kung naibenta na sa iba ang sasakyan ngunit hindi nairehistro sa LTO ang paglilipat ng pagmamay-ari at nagkaroon ng paglabag sa batas-trapiko.

“There are instances po na ‘yung sasakyan ay nailipat na sa ibang pangalan pero dahil hindi ito nailagda sa LTO, ang sinisingil pa po nila ay ‘yung dating may-ari ng sasakyan. We would like to revisit this po,” pagtitiyak ni Guadiz.

Naniniwala rin si Guadiz na maganda ang layunin ng no contact apprehension policy, ngunit kailangan lamang na ayusin upang higit na mapalakas ang implementasyon at makatulong sa maayos na daloy ng trapiko sa buong Metro Manila. (KOI HIPOLITO)