April 26, 2024

Lakers, heat at TrailBlazers, nanalo ng may 1 point lead sa NBA games

Narito ang resulta ng laro sa NBA games, January 31, 2021. Nilunod ng Los Angeles Lakers ang Boston Celtics, 96-95.

Gumawa ng 27 points si Anthony Davis sa Lakers. Kumamada naman ng 30 points si Jason Tatum para sa Celtics.

Tinusta naman ng Miami Heat ang Sacramento Kings, 105-104. Bumuslo ng 30 points so Jimmy Butler. Nag-ambag naman ng 13 rebounds si Bam Adebayo.

Sinagasaan naman ng Portland TrailBlazers ang Chicago Bulls, 123-122. Kumamada ng 44 points si Damian Lillard para sa Portland.

Ang tatlong nabanggit na teams ay nanalo na may 1 point lead sa kanilang kalaban.

Samantala, narito ang iba pang resulta ng laro sa liga.

Bucks – 114 Hornets – 126

Rockets – 126 Pelicans – 112

Grizzlies – 129 Spurs – 112

Suns – 111 Mavericks – 105

Pistons – 91 Warriors – 118