April 27, 2024

DIBDIB NG DALAGA NILAMAS, MANGINGISDA HIMAS-REHAS SA OBLO

MALAMIG na rehas na bakal naman ngayon ang hinihimas ng isang mangingisda matapos pasukin at paghihimasin ang dibdidb ng isang 19-anyos na dalaga na natutulog sa loob ng kanilang bahay sa Navotas City, kaninang madaling araw.

Nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness ang suspek na kinilala bilang si Erwin Imperial, 37 ng Chungkang St., Brgy. Tanza 2.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng Women’s and Children Protection Desk (WCPD) ng Navotas police, habang natutulog sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Tanza 2 ang biktima na itinago sa pangalang “Marimar” dakong alas-3 ng madaling araw nang pasukin siya ng suspek.

Nagising ang biktima nang maramdaman na may humahaplos sa kanyang dibdib at nakita niya ang suspek na pinatay ang ilaw kaya kaagad siyang bumangon at tumakbo palabas.

Nang makita ng biktima ang nagpapatrolyang mga tanod ng Brgy., Tanza 2 ay kaagad siyang humingi ng tulong sa mga ito na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.