April 25, 2024

GOLDEN STATE WARRIORS, TINAGA ANG DALLAS SA GAME 1 NG WEST FINALS

Hinablot ng Golden State Warriors ang panalo sa Game 1 ng Western Conference Finals. Tinaga ng Warriors ang Dallas sa isang blow-out win, 112-87. Bumira sa opensa ng Dub City si Steph Curry na naglista ng 21 points. Kasama na rito ang 12 boards at 4 assists.

Nagdagdag naman si Andrew Wiggins at Jordan Poole ng tig-19 points. Nag-ambag naman si Klay Thompson ng 15 points, 5 boards at 4 assists. Sa panig naman ng Mavs, kumamada si Luka Doncic ng 20 points, 7 boards at 4 assists.

Tumipa naman si Spencer Dinwiddie ng 17 points, 2 assists at 1 board. Lumagare agad sa opensa ang Warriors. Kaya, bitbit nito ang 9 point lead, 54-45 sa first half. Subalit, rumatsada ang Golden State sa opensa at hinigpitan ang depensa. Kung kaya, pinamaga ng team ang kanilang lamang sa may hang-over pang Dallas.