April 26, 2024

Filipinas, dinomina ng Australia sa opening ng 2022 AFF Women’s Championship

(Bella Flanigan ng Filipinas Under-18 women’s team/ AFF photo)

Kinapos ang Filipinas sa opening ng 2022 AFF Under-18 Womens’s Championship campaign. Dinaig sila ng Australia, 4-0 sa laro na idinaos sa Palembang, Indonesia. Iwan lang sana sa 1-0 ang Pinay booters sa break ng laro.

Subalit, namaga ito nang maka-iskor pa ang Aussies ng 3 points sa second half. Nasa bottom Pilipinas sa Group B matapos dikdikin ng 4 goals. Nangunguna ang Australia sa grupo at Myanmar naman ang sunod. Nagwagi ang Myanmar sa Malaysia, 3-0, na siya naman pangatlo sa group.

Muling sasalang ang Filipinas sa laro bukas laban sa Myanmar. Inaasahan namang makababawi ang bansa. Lalo na’t nasa kondisyon sina Bella Flanigan at Chantelle Mantini.