April 26, 2024

Enes Freedom, wala pang natatanggap na offer mula sa NBA teams

Nasa peligro ang basketball career ni Enes Kanter o mas kilala ngayon bilang si Enes Freedom. Naaalarma na ngayon ang cager na nasa free agency dahil wala pa siyang natatangap na alok mula sa alinmang NBA teams para mapasama sa roster nila.

Kung kaya, nababahala na si Kanter dahil dalawang buwan na lang ay simula na ang NBA season.

Free agency is open for one month. Normally, I should have already received offers. This summer I did not receive one single offer,” pahayag ng player. Huling nakapaglaro si Freedom sa koponang Boston Celtics.