April 26, 2024

ANGELINE QUINTO, 3-4 MONTHS NA RAW NA PREGGY

Iniintriga ngayon si Angeline Quinto ng mga Marites na siya kuno ay preggy. Ayon sa tsismis, mga 3- 4 months na raw na buntis ang singer-actress. Kaya ba tulala rito si Erik Santos at di masagot ang tanong ni ‘Nay Cristy Fermin?


Ayaw ni Erik na sa kanya manggaling ang balita. Naiintindihan namin ang saloobin ni Erik. Dahil iniisip lang nito ang kapakanan ni Angeline. Sa malao’t hindi ay sasabihin naman ng singer ang totoo. Kahit malapit si Erik sa girl, hindi niya alam ang lahat tungkol dito.


Ang tanong, kung totoong nagdadalang-tao siya, sino kaya ang daddy? Iyon kayang sinasabing non showbiz BF niya?