May 3, 2024

ALEXA ILACAD, PINAGTANGGOL NG NETIZENS KINA MADAM INUTZ AT BRENDA MAIGE

Nakakuha ng suporta ang aktres na si Alexa Ilacad mula sa pangbabanat sa kanya ng kapwa housemates. To the rescue ang madlang pipol sa pagdepensa sa kanya. Sinabihan kasi siya ng 2 housemates na sina Madam Inutz at Brenda Maige na ‘walang kwenta’.

Kung anu-ano kasing patutsada ang sinabi nila kay Alexa sa livestream ng PBB. Backstab umao ang ginawa ng dalawa sa cute at magandang aktres. Narito ang usapan ng dalawa tungkol kay Alexa.


“Ako tingin ko talaga diyan, Karen or Alexa,” ani Madam Inutz sa posibleng ma-evict sa Bahay ni Kuya.
“Pero kung malakas ang supporters ni Alexa.”


“Paano maganda ba editing kay TJ? Eh, ang ganda ng editing ni Alexa,” ani Brenda.
“Kaya nga, e.h ‘Yun lang din ang pinagtataka ko. So far na nandito ako, wala pa akong nakikitang nagawa (ni Alexa) as in puro lang music,” sabi pa ni Madam Inutz.


Dahil dito, inupat sila ng mga netizens. Dismayado sila sa kagaspangan ng ugali ng dalawa.