April 29, 2024

LUGGAGE NI MISS PH UNIVERSE BEA GOMEZ, NAWAWALA SA ISRAEL

Nawawala ang luggage ni 2021 Miss Universe Philippines Bea Gomez sa Eliat, Israel. Dumating na ang pambato ng Pinas doon para sa 70th Miss Universe Pageant. Idaraos ang nasabing patimpalak sa December 12 sa kabila ng banta ng Omicron variant.


Dahil dito, aligaga si Bea at ang kanyang team sa pagrecover ng gamit niya. Sinabi na rin nila sa otoridad ang pangyayari. Negative si Bea sa isinagawang swab test doon. Pero, may isang kandidata ang nagpositibo.


Di rin nakaligtas si Bea sa mga Marites sapol ang magviral ang picture nila ni Miss Thailand. Samut saring reaction ang comments ng netizen sa picture. Kaibigan raw ba nito si Anchilee Scott-Kemmis? Natanong din siya sa isyu tungkol sa kanyang lovelie. Pero, dedma lang dito ang beauty queen.