April 26, 2024

‘AGIMAT NG AGILA’ NI BONG REVILLA JR. NAKAKUHA NG 16.3 SA RATINGS

Talagang inabangan ang showing ng ‘Agimat Ng Agila’ sa free TV ng GMA-7 last Saturday May 1, 2021. Bilang patunay ay humataw ito sa ratings.

Nakakuha ito ng 16.3 percent. Kaya tama lang ang desisyon ng GMA-7 na mas pinili nila si Sen. Bong Revilla, kaysa sa isang bagitong actress.

Na kinainggitan ang pagbabalik ni Bong sa GMA-7. Masaya rin si Bong dahil hanggang ngayon ay tinatangkilik pa rin ng kanyang mga followers.

Nanibago ako dahil grabe mahirap ang mga eksenang bakbakan at barilan, pero pinaghandaan naman namin iyon.”

“Kahit mahirap ang mga eksena, ginawa ko talaga ang lahat ng aking makakaya kasi gusto kong hindi masayang iyong paghihintay nila sa akin na mapanood ako sa telebisyon.”

“Kahit nagka-idad na nang konti, kaya ko pa rin naman ang mga fighting scene at kaya ko pa rin na makipagsabayan sa kanila.”

Hindi pa rin nila ako pinababayaan, dahil todo-todo talaga ang suportang ibinigay sa akin para sa action/drama/pantasy serye ng ‘Agimat Ng Agila.’

Nakakataba ng puso, dahil hanggang ngayon ay marami pa rin talaga ang naniniwala sa aking kakayahaan bilang action star.”

Basta ang maipapangako lang namin, every Saturday ay talagang kapanapanabik ang aming mga eksenang gagawin at kanilang mapapanood sa ‘Agimat ng Agila.’”

Pinanood nga nang inyong lingkod ang ‘Agimat Ng Agila,’ hanggang ngayon ay maliksi pa rin si Senator Bong.

Mukhang hindi siya nagka-edad, dahil iyong mga eksenang bakbakan ay kanya pa rin itong nakaya. At talaga namang hindi nagpa-dobol ang nasabing actor.