April 27, 2024

2 PINAY NAGPANGGAP NA TURISTA, NAHARANG SA AIRPORT

Dalawang Pinay na biktima ng human trafficking ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport Terminal, makaraang magpanggap na turista patungong Dubai.

Ayon sa BI,kapwa umamin ang dalawa na hindi na pinangalanan na nagkunwari lamang silang turista  para makaalis ng bansa at mamasukang household workers sa Dubai.

Pasakay na sana ang dalawa ngunit bigo silang makalampas sa primary inspection ng BI.

Inamin din ng mga ito na nakilala nila sa Facebook na isang alyas “Regine” at isang alyas “Onday” na nanghikayat sa kanila sa umano’y  job opening para sa Dubai.

Ni-recruit umano sila ng mga ito at nakipagkita sa kanila sa isang fast food restaurant.

Binigyan sila ng instruksyon na sumailalim sa immigration clearance na may nakatatak nang mga passport at boarding pass bago tumuloy sa departure area.

Subalit, nang nasa airport na sila ay walang escorts o aalalay sa kanila.