May 21, 2024

Zambo solon, asawa, 3 anak gumaling sa COVID-19

Nakalabas na ng ospital si Second District Rep. Manuel Jose Dalipe at apat na miyembro ng kanyang pamilya matapos gumaling sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Bagama’t malungkot na ibinalita ni Rep. Dalipe na ang kanyang ama na si dating Mayor Manuel Dalipe ay nanatili pa rin sa ospital para obserbahan.

Ayon kay Dalipe, kahapon nang ma-discharge siya sa ospital gayundin ang kanyang asawa na sina Keenah, at tatlong anak – Margaret, Baby Madison, at Manu.

“Although all of us are already fine and have been isolated for 14 days, we want to extend our days of isolation because I want to be sure that we are all safe from the virus,” saad niya