NAGBANTA si Ako Bicol Rep. Zaldy Co na magbibitiw sa puwesto kung pipilitin siyang bumalik ng bansa sa gitna ng imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.
Giit ng kongresista, walang sinuman ang puwedeng mag-utos sa kaniya na umuwi dahil “nasa ilalim pa siya ng gamutan” sa abroad.
Ngunit iginiit ng mga kritiko na ang pagbibitiw ay hindi proteksyon laban sa kaso. Hindi nito mabubura ang mga paratang ng plunder at hindi nito mapipigilan ang mga imbestigasyon.
“Kung ang karaniwang Pilipino na may kaso ay kailangang humarap sa korte, bakit iba ang trato sa isang kongresista?” ayon sa isang komentarista.
Pinaalalahanan din na ang “public office is a public trust.”Kung inosente si Co, dapat siyang umuwi at linisin ang kaniyang pangalan. Ngunit kung mapatunayang nagkasala, walang dahilan (kahit medical excuse o resignation) na makapagliligtas sa kaniya mula sa hatol ng batas at kasaysayan. (MINA PADERNA)
