April 27, 2024

YUMAONG PRES. NOYNOY AQUINO, NAKAG-TWEET PA! PARA SUPORTAHAN ANG KAKAMPINK’! SINO ANG NASA LIKOD NITO?

Mukhang disperado na ang mga ‘Pinklawan’ mga ka-Sampaguita. Pikit-mata man nating isipin, ang layo ng lamang sa kanila ng ‘Uniteam’.

Na ang banner nga rito ay ang tambalang BBM-Sara Duterte. Sa pag-asang makaaalagwa, aba’y ginamit ang Twitter account ng yumaong presidente. Kaya, nagulat ang mga netizens na nakapag-post pa si ex-president Noynoy Aquino.


Kaya, hinuha ng mga netizens, sino ang nasa likod nito? Dyan nga nakaladkad ang pangalan nina dating senador Bam Aquino. gayundin si LP spokeperson at VP aspirant Kiko Pangilinan.


Layun ng nasabing tweet na palakasin ang candidacy ni Pangilinan. Hindi maalis sa isipan ng taumbayan na si Bam ang nasa likod nito. Kasi, siya nga ang campaign manager nina Kiko at VP Leni Robrero.


Sa ganang atin, madali lang namang gumawa ng isang account sa socmed. tapos, iugnay ito sa taong yumao. Katunayan, mayroong socmed account si Gat Jose Rizal. Isama pa si Bonifacio, Luna, Mabini, Sakay at Del Pilar.


Itinanggi ni Bam na sila ang nasa likod nito. Wala raw siyang alam. Kung totoo man ito, ‘e di mabuti. If hindi, aba’y kawalan ng respeto ito sa taong yumao na!


Kung iba ang gumawa, ang tanong, mayroon pa bang magic ang mga Aquino? Sino kaya ang gumawa? Isa sa kanilang supporters o isa sa kanilang mga karibal sa position? At sino naman ang magtitiyagang gumawa ng Twitter account ni PNoy?

Di ba nila, niya naiisip na ka-wirduhan ito? O sadyang ipinapahamak ng kanilang supporters ang ‘Pinklawan?’Kayo na ang bahalang humusga mga Ka-Sampaguita. Adios Amosekos.