May 4, 2024

YUKA SASO, PINILING KATAWANIN ANG JAPAN SA 49TH TOTO CLASSIC

Mas pinili ni Ja-Pinay golf sensation Yuka Saso ang pagiging Japanese citizen. Gayung dala-dala niya ang Pilipinas buhat nang suungin ang larangan ng golf. Kinanlong din siya ng ICTSI at iginiya nang magkampeon sa 76th US Women’s Open 2021.


Sangayon sa batas ng Japan, kailangang mamili ng sinumang mayroong dual citizenship. Kung anong bansa ang dadalhin nito sa torneo. Saklaw hanggang sa pagsapit ng 22-anyos.


Napagpasyahan ni Saso na katawanin ang Japan sa 53rd Ladies Professional Golf Association of Japan Tour 2020-21. Gayundin sa 49th Toto Japan Classic sa Otsu City at Shiga Prefecture. Ang huli ay idaraos ngayong araw.