May 18, 2024

YOUTUBE SENSATION NA SI LOGAN PAUL, NAKATIKIM NG STUNNER SA WRESTLEMANIA 37

Nakatikim ng stunner si Youtube sensation Logan Paul kay Kevin Owens. Nangyari ito pagkatapos ng match-up nina Owens at Sami Zayn sa Wrestlemania 37 sa Florida.

Nagsilbing guest si Paul sa laban na tumagal ng 10 minutes. Kung saan, nabilangan si Zayn via pin fall pagkatapos makatikim ng stunner.

Hindi ikinatuwa ni Zayn ang resulta ng laban. KInausap pa siya ni Paul na i-congratulate si Owens.Pero, lalong nainis si Zayn at nagawang itulak ang Youtuber sabay alis sa ring.

Pagkatapos ay lumapit ito kay Owens at binati sa pagkapanalo. Sabay taas ng kamay na parang di okay sa Canadian grappler.

Sa pagkabigla ng lahat, binigyan ng stunner ni Owens si Paul. Ang nasabing wrestling finisher ay pinasikat ni Stone Cold Steve Austin.Ikinatuwa naman ng an sang nangyari dahil no big deal lang naman yun.

Si Logan ay mayroong 23 million Youtube subscribers. Nakatakda sana siyang humarap kay lord Mayweather Jr noong first quarter ng taon.

Pero, hindi natuloy dahil sa COVID-19 pandemic.