May 18, 2024

YOUNG RIANNE MALIXI, BUMIDA SA PAGTIPA NG BRONZE NG PH GOLF TEAM

Dinispatsa ni Young Rianne Malixi si Suanne Loh ng Singapore sa women’s golf team match play sa Vietnam SEA Games. Kaya naman, bumida si Malixi sa panalo ng PH golf team.

Naipanalo ni Malixi ang team sa kanyang heroic performance. Ito’y matapos isalya ang 5-foot downhill birdie bilang third playoff hole.

Kapwa tumira (overshot ) ang dalawang player sa par-5 No.9. Kung saan, tabla sila ng 2 beses sa par. Ngunit, ang ICTSI-backed na si Malixi ay nakabuslo nang muling pumalo. Nabigo naman si Loh na ipasok ang bola sa hole. Lumihis ito pakaliwa nang gumulong na sa hole. Na naging rason upang talunin ang mga Singaporeans.

Ang nasabing chip din ang nagligtas sa Filipino golfers. Dahilan upang makakopo ng medalya sa nasabing competition.