Sa kabila ng pag-suspinde ng Commission on Elections (Comelec) naninindigan si Albay Congressman Joey Salceda na tuloy ang People’s Initiative (PI) sapagkat hindi mapipigilan ang mga Pilipinong nais lumahok upang maisakatuparan ang charter change.
” You cannot impeach the power of the people,” mariing paliwanag ni Cong. Salceda sa Kapihan sa Manila Bay nitong Miyerkules.
Makapangyarihan aniya ang People’s Initiative sapagkat ito ang daan upang maipakita ang tunay na saloobin ng bawat Pilipino kaya hindi maaaring pigilan.
Idinagdag pa ni Salceda na makikita ang karapatan sa People’s Initiative sa papagitan ng pagpirma ng sumasang-ayon dito.
Samantala, binigyan diin ni Salceda na nirerespeto kongreso ang desisyon ng Comelec na isuspinde ang proseso hinggil sa People’s Initiative at sinabing maghihintay sila hanggang maresolba ng Comelec ang pagsasaayos nito sa umiiral na implementing rules and regulations (IRR), kasabay ng panawagan nito sa mga sumumusporta sa Cha-cha.
“Hihintayin namin ‘yung Comelec (We will wait for the Comelec). By the way, our democracy operates, it is an independent body. We have to respect [it], that’s the only way,” saad pa ni Salceda.
Idinagdag pa ni Salceda na walang makakapigil sa taong bayan na pumirms kung gusto nila, ito ay kanilang karapatan. Tuloy pa rin hanggang sa kasalukuyan ang pagsusumite sa Comelec ng pirma. Pagproseso lamang ang hinihintay kapag natapos na ng Comelec ang mabusising pag-aaral sa IRR.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA