May 18, 2024

BONG REVILLA AT SHARON CUNETA MOVIE REUNION MALABO NA!

BINIGYAN nang prioridad ni Sen. Bong Revilla ang reunion movie project nila ni Ms. Sharon Cuneta, pero nasagasaan naman ang mga movies na pagsasamahan nina Bong Revilla at Jillian Ward, ito iyong remake ng ‘Isusumbong Kita sa Tatay Ko.’ Pati na rin ang muling pagsasama nila ni Sen. Robin Padilla, naisantabi na muna ito.

“Mas binigyan ni Sen. Bong ang reunion movie nila ni Megastar Sharon Cuneta ng time, dahil indemand daw kasi si Ms. Sharon. Laking tulong din iyon sa promo ng movie nilang gagawin. Dahil malakas din sa hatak ng mga tao, kapag ang isang artista ay viral sa social media.

“Pero mukhang malabo ng matuloy ang reunion movie nila ni Sharon Cuneta, dahil very busy si Megastar at may natanggap itong project sa US at doon na pansamantalang mananatili.

“Nasa waiting list naman ang movie na gagawin ni Bong, na kasama niya sina Robin Padilla at Jillian Ward. Dahil kampante naman si Bong, na available naman ang oras nina Robin at Jillian sa oras na sisimulan na nila ang kanilang pelikula. “Pero mukhang malabo na ring magkasama niya si Robin Padilla sa isang movie project, gayun din si Jillian Ward dahil super busy pa sa ngayon ang batang actress,” saad pa ng aking source.