May 13, 2024

YAM CONCECION, MIGUEL CUUNJIENG, IKINASAL SA NEW YORK

Officially husband and wife na ang aktres na si Yam Concepcion at kanyang longtime non-showbiz boyfriend na si Miguel Cuunjieng.

Ginanap ang kakaibang civil wedding ng dalawa sa New York Harbor kung saan makikita sa likod ang sikat na Statue of Liberty na matatagpuan sa Liberty Island.

Sa naturang barko lang din mag-isang lumakad ang 33-year-old bride habang bitbit ang alagang aso.

Isa sa mga piling bisita ang entertainment personality na si Tim Yap na nagbahagi ng ilang intimate scenario sa kasal.

“I will always believe that it wasn’t only fate that brought us together. It was our constant effort of making time for each other, whether it be video calls, leaving voice messages, or extra-long texts,” bahagi ng wedding vow ni Yam o Lorraine May sa tunay na buhay.

Noong nakaraang buwan lamang nang ibunyag ni Yam na engaged na ito kay Miguel, bagama’t ito pala ay noon pang 2018 sa Japan.

Anim na taon naging magkasintahan ang dalawa sa pamamagitan ng LDR o long distance relationship bago nauwi sa “forever.”