May 17, 2024

XIAN LIM, AYAW PATULAN ANG ISYUNG HIWALAY NA SILA NI KIM CHIU

MUKHANG na untog ang drama ni Xian Lim sa kanyang dating girlfriend na si Kim Chiu, iwas-pusoy ang actor at dedma lang talaga siya.

“Ayaw na niyang pag-usapan pa ang nakaraan nila, kaya siya iwas-pusoy at para na rin hindi pa pag-usapan pa.

“Good move iyon ni Xian, para sa career nilang dalawa. Kaysa nga naman pag-piyestahan silang dalawa, kaya mas minabuti ng actor na manahimik na lang.

“Ganyan talaga si Xian, mas gusto pa niyang manahimik kaysa sumagot sa mga tanong na ipinupukol sa kanilang dalawa,” chika pa ng aking source.