May 2, 2024

ST. VINCENT VS ASIATECH MATINDING BAKBAKAN SA LACUAA OPENING

LABINDALAWANG koponan ang magbabakbakan pagsiklab ng giyera sa hardcourt ng Laguna Colleges Universities Athletic Association ( LACUAA) Season 9 na sasambulat Nobyembre 25 sa St.Vincent College of Cabuyao sa Cabuyao City , Laguna

Ayon kay LACUAA Chairman Leonardo Andres, Sr.paparada sa pambungad seremonya ang mga kalahok na mga bigating koponan mula Laguna  na kinabibilangan ng  Asia Technological School of Science and Arts , Colegio de Los Banos,Dominican College of Sta Rosa,Greenfield Integrated School,Liceo de Bay,National University -Laguna,Pamantasan ng Cabuyao,San Pedro College of Business Administration,

San Sebastian College- Recoletos, Canlubang,St Ignatius Academy, St Vincent College of Cabuyao at Westbridge Institute of Technology, Inc.

Apat na eksplosibong laro ang nakatakda matapos ang opening ceremony na raratsadahan ng Dominican College of Sta Rosa vs  GFIS sa junior division (8:30),Pamantasan ng Cabuyao vs  NU sa senior(10am),Ignatius Academy vs WITI  sa jr(12nn) at tampok na laro ang St Vincent vs ASIATECH  sa senior( 1:30 pm).

Sa opening ay nag-welcome ang host St Vincent College of Cabuyao sa pangunguna ni SVP Directress Ms Marina Chavez sa lahat ng koponan, opisyales at lahat ng may kinalaman sa aktibidad pang- palakasan sa LACUAA.

Inspirasyunal na mensahe ang hatid nina 2nd Season President  Mr. Solomon Padiz at Chairman Andres.