May 16, 2024

WWE SUPERSTAR, KUMAKAIN NG CAT FOOD PARA LUMAKI ANG KATAWAN

Kakatwa ang WWE superstar na si Rick Boogs sa pagkamit ng kanyang bulk at malaking katawan. Papaano ba naman kasi, weird ang isa sa kanyang mga sikreto. Kumakain lang naman siya ng cat food para madagdagan ang kanyang extra muscle.


Aniya, dagdag protein ito na nagpapakapal ng kanyang katawan. KUmakain din siya nito bago magwork-out.


Because I thought it would be a good snack on the go, [I’d have] highly-dense, nutritious treats to carry in my pockets. So at all times I was calorically satisfied, micro-nutritionally full, if you will,” aniya.


Kahit aniya nakakadiring kainin ang cat ood dahil para sa pusa lang ito, game siya. Para mapanatili ang bato-batong katawan.


“It was disgusting. It didn’t last very long, but the fact is that I went that far,” sabi pa ng fitaristang wrestler na buddy ni Shinsuke Nakamura.


Si Boogs, Eric Bugenhagen sa totoong buhay ay pumupunta sa pet store. At doon ay bumibili siya ng isang sako ng premium cat food.Sanayan lang daw aniya ‘yan.