November 23, 2024

WWE STARS, PAGMUMULTAHIN KUNG HINDI MAGSUSUOT NG FACE MASK SA TAPINGS

Nagbabala si World Wrestling Entertainment (WWE) Chairman Vince Kennedy McMahon na ipakakansela ang ilang shows ng WWE at pagmumultahin ang mga wrestlers kapag nahuling walang suot na face mask kapag may TV tapings.

Ang pahayag na ito ng WWE supremo ay isang pag-aalala dahil sa patuloy na pagkalat ng Covid-19 sa Estados Unidos. Nag-aalala rin si McMahon sa lumulubong kaso ng Covid-19 sa Florida, kung saan doon isinasahimpapawid ang WWE.

Kaya naman, para makaiwas ang ilang wrestlers at crew sa sakit, naglagay ang WWE ng plastic screens; na nagsisilbing harang sa crowd sa wrestling ring.

Mahigpit din niyang tinagubilinan ang mga wrestlers na laging magsuoit ng protective mask, sa gayun ay maiwasan ang impeksiyon. Bukod dito, ang mga WWE stars; sampu ng mga empleyado nito ay sumasailalim sa ‘temperature checks’ kapag pumapasok sa WWE Performance Center sa Central Florida.

Kapag lumabag sa alintuntunin, magmumulta ang mga wrestlers ng $500 sa first offense at $1,000 naman sa second offence.

Para sa 74-anyos na American billionaire, hindi naman aniya nakababahala ang pandemic kung labis na mag-iingat dito. Kaya naman, todo ang ginagawang hakbang ng WWE upang mapigilan ang pagkalat ng Covid-19 sa kanilang bakuran.

Katunayan, nitong nakaraang linggo, tatlo sa tauhan ng WWE ang nagpositibo sa virus. Kabilang na rito ang producers na sina Jamie Noble at Adam Pearce at si backstage interviewer Kayla Braxton.

Ayon kay Braxton, dalawang beses na siyang nagpositibo sa Covid-19. Ang una ay noong Marso 2020 pagkatapos magliwaliw kasama ang kanyang mga kaibigan s akabila ng may ipinatutupad na lockdown.