May 14, 2024

WWE STAR EDGE, KURSUNADA ANG ANAK NI THE ROCK

Kursunada ni WWE star Edge ang anak ni former WWE star ‘The Rock’ Dwayne Johnson. Hindi upang ligawan, kundi upang isama sa faction nito na ‘The Judgment Day’.

Nagpost pa nga ang nasabing wrestler ng recent tease sa Twitter. Kung saan, binanggit niya si Simone Johnson (anak ni The Rock). Nagpahaging si Edge na si Simone ang bagong member ng faction nila.

Kasalukuyang bahagi ng WWE development group si Simone. Sumasailalim ito sa training bago isalang sa pro wrestling ring. Pinalitan naman ng dalaga ang kanyang ring name na ‘Ava Raine’.

Ito’y dahil sa impluwensiya at inspirasyon niya sa pelikulang ‘The Craft’. Samantala, kabilang sa Judgment Day faction sina Rhea Ripley at Damian Priest. Kalaban naman nila ngayon sina AJ Styles, Finn Balor at Liv Morgan.